KALIDAD,

KALIGTASAN SA PAGKAIN

AT NG KAPALIGIRAN


Ang departamentong ito ay may malaki at kwalipikadong pangkat na hinati sa iba’t ibang grupo: kalidad, beterinaryo, laboratoryo, at kapaligiran.

Ang Sariling Lab ng Litera Meat na Awtorisado para sa Pagsusuring PCR para sa Makita ang SARS CoV-2

KALIDADKALIDAD

Ang grupong ito ay responsable sa pagkontrol at pagpapatupad ng mga sertipikadong sistema ng pamamahala, pati na ang pagsusuri ng prosesong HACCP (hazard analysis and critical control points), pamamahala ng mga reklamo, at pag-iinspeksyon ng mga operasyon sa katayan at silid ng pagtatanggal ng buto.

Ang aming sistema ng produksyon ay nakaangkop sa pinakamahihigpit na pamantayan ng kalidad at alinsunod sa pinaka nanghihinging regulasyon. Dagdag nito, ang buong proseso ay masusing sinusubaybayan ng mga in-house na propesyunal, na bineberipika na ang produkto at lahat ng mga proseso nito ay sumusunod sa patakaran sa kalidad at kaligtasan sa pagkain ng aming kumpanya.

BETERINARYOBETERINARYO

Ang mga sariling beterinaryo ng planta ay responsable sa mga ante-mortem na inspeksyon at ginagarantiya ang pagsunod sa mga pamantayan sa kapakanan ng hayop habang naghahatid, nagbababa, nagsasaksak at nagkakatay. Nagsasagawa rin sila ng mga post-mortem na kontrol, nirerehistro lahat ng dokumentasyon, inaalam ang mga seizure at kumukuha ng impormasyon para sa mga pag-eexport sa labas ng EU.

ANG KAPALIGIRANANG KAPALIGIRAN

Ang mga pangunahing responsibilidad ng lugar na ito ay ang pagkontrol at pamamahala ng pasilidad ng paglilinis ng tubig ng planta alinsunod sa pamantayang itinaguyod ng Confederación Hidrográfica del Ebro. Ito ay karagdagan sa paglilinis ng naiinom na tubig, pagkontrol ng dumi, pagkontrol sa emisyon sa kapaligiran at iba pang trabahong pangkalikasan, tulad ng pag-iwas sa mga pamemeste at mga paglilinis para sa kalusugan at kaligtasan laban sa Legionella.

SARILING LAB


Ang aming in-house na laboratoryo ay nahahati sa apat na magkakaibang grupong naaangkop sa pinakabago at pinaka alternatibong siyentipikong pamamaraan. Ang laboratoryo para sa parasitolohiya na may katumbas na lugar para sa trichinoscopy, ang laboratoryo para sa tubig, kung saan ang mga parametro ng tubig ay sinusuri at pinagtitibay para sa parehong iniinom na tubig at para sa paglilinis ng maruming tubig, ang laboratoryo para sa mikrobiolohiya, para sa pagproseso ng mga sample at pagsasagawa ng mga pag-aaral na kapaki-pakinabang sa buhay, at ang laboratoryo para sa Covid, kung saan, dagdag pa sa pag-aanalisa ng mga sample mula sa tao, pinagtitibay ang mga mapanuring pagkontrol sa mga produkto ng karne, surface, kagamitan sa trabaho, at materyal ng pagbabalot. Ang pangkat ng lab ay responsable sa pagsusuri at pagdodokumento ng kahusayan, kaligtasan at kalidad sa iba’t ibang proseso.

Ang aming in-house na laboratoryo ay pinagtibay ang isang napaka makabagong metodo sa paghahanap ng trichinae larvae na ginawa ang Litera Meat bilang natatanging planta sa bansa na pinatupad ito. Ito ay isang alternatibong metodo kung saan ang decantation ng mga sample ay pinalitan ng metodo ng pagsala, at ang huling hakbang sa paghahanap nito ay ang pagsusuri sa latex agglutination na pinapalitan ang trichinoscope visualisation. Ang implementasyon ng metodolohiya ay inaprubahan ng Centro de Investigación y Tecnología Agroalimentaria de Aragón, isang organisasyong nagpatunay sa naibang pamamaraang ito upang maipatupad ito sa laboratoryo ng Litera Meat pati na ang iba’t ibang laboratoryong trichinae sa Espanya.

IAWS_logo Registrado-01

PAGTUNTON MULA SIMULA HANGGANG HULI

Ang modernong teknolohiyang gamit sa Litera Meat ay pinapayagan ang pinabuting kabilisan sa pagkamit ng kumpletong pagtunton at, dahil dito, pinahusay na kaligtasan sa pagkain. Ang mga awtomatikong sistema ay gumagamit ng independent na chip upang iimbak lahat ng mahahalaga at kinakailangang impormasyon tungkol sa produkto.

Ang mga sistema ng pagtunton ay lubos na mahalaga dahil nagbibigay ito ng internal na impormasyong namamahala ng pagkontrol at pamamahala ng proseso, tumutulong itong siguraduhin ang kaligtasan, at tumutulong din silang matagpuan at huwag pagalawin ang mga produkto, kung kinakailangan.

MGA TATAK NG KALIDAD, KASIGURADUHAN NG KUMPIYANSA AT REPUTASYON

Ang aming mga tatak ng kalidad at katibayan, na pana-panahong nire-renew, ay ginagarantiya ang pinakamatataas na antas ng kalidad at kaligtasan sa pagkain sa mga proseso, produkto at serbisyo ng aming kumpanya.

Sertipikasyong International Food Standard IFS

Ang tatak na ito ay ginagarantiya ang kalidad, kaligtasan at transparency ng mga produktong nagawa. Ito ay garantiya ng tiwala at reputasyon kung saan tiniyak ang pagsunod sa mga regulasyon ng pagkain at mahigpit na pagkontrol sa lahat ng mga proseso.

BRC

Ang pamantayan sa kaligtasan sa pagkain ng BRC ay dinisenyo upang magbigay ng basehan para sa sertipikasyon ng mga gumagawa ng pagkaing nagpapatupad ng mabubuting kasanayan sa paggawa at sinusuportahan ang mga sistema ng pamamahala ng kalidad.

KAPAKANAN NG HAYOP

Nire-renew din namin ang sertipikasyong Welfair™ Kapakanan ng Hayop taun-taon bilang tanda ng aming pagtuon at pakikisangkot sa proteksyon at pangangalaga ng mga hayop. Dagdag nito, ang pandaigdigang katibayang ito ay nagpapakita ng mas malaking pagtuon sa kalidad ng produkto at sa mas hinihingi at respetadong modelo ng produksyon at pagkonsumo.