Ang lugar ng patanggap ng livestock ay pana-panahong nire-renew ang mga mekanismong ginagamit upang makamit ang pinaka natatanging pamamaraan sa larangan ng Kapakanan ng Hayop, na pinaprayoridad ang kaginhawaan at proteksyon ng mga hayop sa pagdating nila sa planta. Ito ay nakikita sa mga hydraulic na platform na nagsasagawa ng paggalaw at pagbababa ng livestock, pati na ang prosesong ginagawa habang nagsasaksak, na pinaprayoridad ang kapaligirang walang istres.
Ang lugar ng katayan ay binubuo ng dalawang magkahilerang linya ng katayan na may pinakamaraming kapasidad na 32,000 na baboy kada araw. Ang sistemang AutoFom™ ay nagpapatupad ng mga tumpak na parametro upang awtomatikong uriin ang mga nakatay na hayop ayon sa iba’t ibang pamantayan ng kalidad at kinukuha ang mga impormasyon sa hiwalay na chip. Ang pagiging tumpak ng sistemang ito sa pamamagitan ng ultrasonic na pag-aanalisa ng larawan ang nagbibigay ng mataas na antas ng pagtunton ng aming mga produkto. Dagdag nito, mayroon kaming 13 chamber ng palamigan kung saan ang mga nakatay na hayop ay pinalalamig, na pinapanatili ang organoleptic na kalidad at microbiota ng produkto.